National News
5-K na manggagawa sa transport sector na apektado sa PUVMP, binigyan ng ayuda – DOLE, DOTr
Halos 5-K manggagawa sa transport sector na apektado ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ang nakatanggap na ng ayuda mula sa gobyerno.
Sa ulat ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Transportation (DOTr), katumbas sa P134.94-M na halaga ng livelihood projects ang naipagkaloob sa mga ito.
Sa ilalim ng ‘EnTSUPERneur’ livelihood program, binibigyan ng minimum na P30-K na halaga ng in-kind livelihood assistance ang bawat apektadong transport worker.
Inaalok rin ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang jeepney workers ng isang skills development training sa pamamagitan ng kanilang “Tsuper Iskolar” program.
Ayon kay DOLE Sec. Bienvenido Laguesma, nagsasanib-pwersa ang ibat-ibang government agencies para matulungan ang nasa 30-K na jeepney drivers at operators na hindi sumali sa consolidation bilang bahagi ng PUVMP.
![](https://dzar1026.ph/wp-content/uploads/2024/05/logo-radio-1.jpg)