Connect with us

5 persons of interest sa pagkawala beauty queen at fiancé nito, nasa kustodiya na ng PNP

5 persons of interest sa pagkawala beauty queen at fiancé nito, nasa kustodiya na ng PNP

National News

5 persons of interest sa pagkawala beauty queen at fiancé nito, nasa kustodiya na ng PNP

Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) PIO Chief Police Colonel Jean Fajardo na hawak na ng pulisya ang 5 persons of interest sa kaso ng pagpatay sa beauty pageant contestant at fiancé nitong Israele.

Ayon kay Fajardo, 2 dating pulis ang naaresto kahapon ng madaling araw at 1 ang naaresto kamakalawa na parehong nahaharap sa kasong illegal possession of firearms habang may 2 pang nauna nang nadakip ng pulisya.

Sinabi ni Fajardo na posibleng madagdagan pa ang mga suspek dahil may 2 pang kasabwat ang kasalukuyang tinutugis ng Special Investigation Task Force (SITG) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Matatandaang nitong Sabado natagpuan ng mga otoridad  ang 2 bangkay ng hinihinalang katawan nina Neva Lopez at Yitshak Cohen sa 1 quarry site sa Brgy. Sta Lucia, Capas, Tarlac.

Kaugnay nito kapwa tiniyak ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at PNP na mabibigyan ng hustiya at katarungan ang pamilya ng beauty contestant at fiancé nitong Israele National.

Samantala, pinapurihan naman ni PNP Chief Marbil ang binuong SITG dahil sa pagkakaroon ng liwanag sa kaso kasabay ng paninindigan na mabibigyan ng katarungan sina Lopez at Cohen.

More in National News

Latest News

To Top