Connect with us

5 Pinoy artists, tampok sa 2022 Paris Art Exhibit

5 Pinoy Artists ang tampok sa 6 na araw na Art Capital 2022 exhibit sa Grand Palais Ephemere, Paris.

Showbiz

5 Pinoy artists, tampok sa 2022 Paris Art Exhibit

5 Pinoy Artists ang tampok sa 6 na araw na Art Capital 2022 exhibit sa Grand Palais Ephemere, Paris.

Para sa photographer na si Jan Levent, isa sa limang pinoy artists, magkahalong excitement at saya ang naramdaman nito dahil unang pagkakataon nyang makasama sa isang malaking International Art Exhibit.

Ibinida naman ni Levent ang kanyang galing sa photography sa photo collection nitong pinamagatang reflections.

Si Margo Calderero-Lelain, isang painting na dedicated kay French Artist Claude Monet ang ibinida.

Si Maritess Van Viane, painting na tinawag nyang River Of Diamonds ang isinama sa exhibit kung saan sumisentro ito sa pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak.

Si Grace Bagtas Dela Cruz, ang “Obsession” nito na painting ay sumisentro sa mensaheng dapat tanggapin ng mga kababaihan na hindi panghabang buhay manananatili ang ganda ng isang tao.

Si Marie expert naman ang kumukumpleto sa 5 pinoy artist.

2,000 amateurs at professional artists mula sa ibat ibang bansa ang kasali sa naturang Art Capital 2022 Exhibit.

Continue Reading
You may also like...

More in Showbiz

Latest News

To Top