Connect with us

5 police official ng Bacolod City, sinibak sa puwesto

puwesto

Regional

5 police official ng Bacolod City, sinibak sa puwesto

SINIBAK na sa puwesto ang limang opisyal ng Bacolod City dahil sa iligal na droga.

Kasunod ito ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin sa puwesto si Bacolod City Chief of Police, Sr. Supt. Francisco Ebrero.

Kasama rin sinibak sa puwesto sina Police Supt. Ritchie yatar, Supt. Nasruddin Tayuan, Sr. Insp. Victor Paulino at Sr. Supt. Allan Rubi Macapagal.

Nabatid na protektado ni Ebrero ang ilang mga police commissioned and non-commissioned officers ng Bacolod PNP na sangkot sa illegal drugs.

Dahil dito, hindi nagawang sugpuin ni Ebreo ang pagkalat ng iligal na droga sa lungsod.

Mananatili muna sa regional personnel holding and accounting unit ang limang opisyal habang iniimbestigahan.

Ayon ito kay PRO-6 Regional Police Director Chief Supt. John Bulalacao.

Samantala, itinalaga naman bilang caretaker o officer-in-charge ng Bacolod PNP si police Sr. Supt. Henry Binas.

DZAR 1026

More in Regional

Latest News

To Top