COVID-19 UPDATES
5 dahilan sa pagpapalawig ng ECQ sa Luzon – DILG Sec. Año
Babatay sa limang bagay ang posibilidad ng pagpapalawig ng enhanced community quarantine sa buong Luzon.
Ito ang inihayag ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año sa isang panayam ng Sonshine Radio.
Ani Año, isa sa pag-aaralan ng pamahalaan ay ang epidimiological data o trend ng mga COVID-19 confirmed cases sa buong bansa kung ito’y bumaba ba o mas lalo pang lumobo.
Titingnan din aniya ang competitiveness ng mga ospital, health services at health workers sa pagtugon ng mga nanatiling confirmed cases o sa dadagdag pa.
Isa rin sa dapat ikonsidera ay ang kahandaan ng mga tao sa pagsunod ng mga preventive measures kung sakaling tanggalin ang ECQ gayundin ang peace and order.
Dagdag pa rito, dapat ding alamin kung gaano karami ang magiging apektadong negosyo at mga manggagawa sa pagpapatuloy ng community quarantine.
“So lahat yan ay titingnan natin at ah, mamayang hapon, titingnan natin kung ano ang kalalabasan sa ating irerecommend sa ating pangulo.”