COVID-19 UPDATES
50-50 work scheme, ipinatupad ng PNP
Ipinatupad ng Philippine National Police (PNP) ang 50-50 work scheme sa mga police personnel nito matapos tumaas pa ang bilang ng nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa hanay ng kapulisan.
Inilabas ni PNP Chief Gen. Archie Francisco Gamboa ang isang direktiba para sa mga personnel nitong naka-base sa Camp Crame sa Quezon City kung saan may magiging first batch personnel na magta-trabaho bilang frontliners simula Abril 6 – 19.
Ang kalahati naman ay magta-trabaho simula Abril 20- Mayo 3.
Ang nasabing work scheme ay nagsisilbing preventive measure laban sa paglaganap sa COVID-19, kung saan makakapag-self quarantine ang mga police personnel bago sumabak sa trabaho.
Binigyang diin naman ni Gamboa na hindi kasali ang mga 45-yrs. old na kapulisan sa magdu-duty sa mga checkpoints dahil sila ang vulnerable sa nasabing sakit.
