Connect with us

500-K international seats, bakante para sa PHP922 na pamasahe – AirAsia

500-K international seats, bakante para sa PHP922 na pamasahe – AirAsia

National News

500-K international seats, bakante para sa PHP922 na pamasahe – AirAsia

Inihayag ng AirAsia Philippines na ang iniaalok nilang na mula sa kasingbaba ng PHP922 ay papunta at mula Manila hanggang Tokyo, Osaka, Taipei, Kaohsiung, Seoul, Shenzhen, Guangzhou, Hong Kong, at Macao, para sa mga booking simula ngayon hanggang Pebrero 26 at epektibo ang paglalakbay nito hanggang Agosto 31, 2023.

Inaasahan ng AirAsia Philippines na isasara ngayon sa unang quarter ng taong 2023 ang pagbabalik at pagbubukas muli ng mga flight sa Macau, Shenzhen, at Guangzhou, bukod pa dito ang aktibong nangungunang international destination patungong Hong Kong, Osaka, Tokyo, Taipei, Bangkok, Kuala Lumpur at Seoul.

Pinagmamalaki na rin ng AirAsia Philippines ang tumataas na inbound at outbound traffic sa Cebu-Mactan International Airport (MCIA) na nakapagrehistro ng higit sa 500,000 international passenger traffic noong 2022.

Ngayon ang naturang airline ay nagseserbisyo ng mga flight papuntang Seoul, ang mga leisure traveler ay maaari ding lumipad 4x sa isang linggo mula MCIA papuntang Taipei, Taiwan simula Marso 2, 2023.

More in National News

Latest News

To Top