Connect with us

5,000 kahon ng pagkain, ipagkakaloob ng DSWD sa mga apektadong pamilya ng lindol sa Abra – Sec. Tulfo

5,000 kahon ng pagkain, ipagkakaloob ng DSWD sa mga apektadong pamilya ng lindol sa Abra – Sec. Tulfo

Uncategorized

5,000 kahon ng pagkain, ipagkakaloob ng DSWD sa mga apektadong pamilya ng lindol sa Abra – Sec. Tulfo

Mamahagi ng aabot sa 5,000 kahon ng pagkain ang Department of Social and Welfare Development (DSWD) sa mga apektado ng magnitude 7 na lindol na tumama sa Abra at yumanig sa ilang bahagi ng Luzon.

Ito ang inihayag ni DSWD Sec. Erwin Tulfo sa panayam ng Sonshine Radio.

Bukod pa rito, namigay din ang DSWD ng modular at family tent na pansamantalang magagamit habang nasa mga evacuation center.

Agad na nagtungo si Sec. Tulfo sa Abra kahapon matapos ang mapaminsalang lindol.

Ani Tulfo, namigay din siya ng P1,000,000 na financial aid sa mga taga-Abra at may kasunod pang tulong pinansyal na ibibigay ang DSWD.

Nananawagan naman si Tulfo sa mga pamilyang apektado ng lindol na magtungo sa mga kani-kanilang mga local government unit upang makakuha ng pinansyal na tulong mula sa DSWD.

Sa mga gustong magbigay ng tulong, pinayuhan ni Tulfo na dapat unahin ang pagbigay ng pagkain dahil ito ang pinaka-kailangan ng mga tao.

Samantala, nakatakda namang magbigay ng tulong si Pastor Apollo C. Quiboloy sa mga apektado ng lindol sa Abra at sa ibang bahagi ng Northern Luzon.

More in Uncategorized

Latest News

To Top