Connect with us

50,000 Pinoy workers sa Saudi na apektado ng pagsabog ng oil plants, handang ilikas ng DOLE

Pinoy workers

National News

50,000 Pinoy workers sa Saudi na apektado ng pagsabog ng oil plants, handang ilikas ng DOLE

NAKAHANDA ang Department of Labor and Employment para sa repatriation ng may 50, 000 Pinoy workers na naapektuhan ng pagsabog ng oil plants sa Saudi Arabia sakaling lumala ang sitwasyon.

Ito ang tiniyak ni Labor Secretary Silvestre Bello III, kasabay ng pakikipag-ugnayan sa Department of Foreign Affairs kung saan gagawin ang madaliang pagpapabalik ng ligtas sa mga OFWs sa Pilipinas.

Tiniyak ni Belo na hahanapan nila ng bagong trabaho na mapapasukan ang mga maaapek­tuhang manggagawa.

Ayon kay Bello, sa ngayon ay inaalam pa nila ang kalagayan ng mga OFWs sa Saudi.

Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng DOLE sa Philippine Overseas Labor Offices sa Al Khobar, Riyadh, at Dammam kung saan wala pang naiulat na nasaktang Filipino at paghinto sa mga trabaho.

Ang Saudi Arabia ang nangunguna sa mga bansang may pinakamaraming Pinoy workers na umaabot sa 2.3 million OFWs worldwide batay sa 2018 survey ng Philippine Statistics Authority.

DZAR 1026

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top