National News
51 barangay sa Cotabato, posibleng magka-landslide kasunod ng malalakas na lindol sa Mindanao
Aabot sa 51 barangay sa Cotabato ang tinukoy ng Mines and Geosciences Bureau sa Region XII (MGB XII) na may mataas na posibilidad ng landslide matapos ang serye ng malalakas na lindol sa Mindanao.
Ayon sa MGB 12, nagpadala sila ng team ng geologists noong Oktubre 16, 29 hanggang 31 at Nobyembre 1 hanggang 3 para magsagawa ng geological assessment sa mga lugar na apektado ng tension cracks at landslides.
Kabilang dito ang labing limang barangay sa Tulunan, lima sa Kidapawan City, isa sa Mlang at lahat ng barangay sa Makilala maliban sa Bulakanon, Concepcion, Jose Rizal, Katipunan II, Libertad, Luna Norte, San Vicente, at Taluntalunan.
Sinabi ng MGB 12 na nag-isyu na sila ng general public advisory kaugnay sa earthquake-induced hazards kung saan maari itong lumalala sa mga pag-ulan.