National News
51% ng mga Pilipino, nagsasabing walang magiging pagbabago sa ekonomiya sa susunod na 6 na buwan
Maraming mga pilipino ang naniniwala na mananatili ang estado ng ekonomiya ng bansa sa susunod na 6 na buwan.
Sa resulta ng December 10-14 ‘Tugon ng Masa Survey’ ng OCTA Research, nasa 51% ang naniniwala na walang magiging pagbabago sa ekonomiya habang nasa 38% ang naniniwala na magkakaroon ng pagbabago.
Nasa 8% naman ang naniniwalang lalala pa ito.
Sa kabilang banda, sa mga naniniwala na magkakaroon ng positibong pagbabago ang ekonomiya, 53% ay nagmumula sa Visayas habang 30% ang mula sa balanced Luzon.