National News
52 na brgy. officials sa bansa, kinasuhan ng DILG
Naghain ng endorsement complaint ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa tanggapan ng Presidential Anti-Corruption Commision sa COMELEC ngayong araw.
Sa panayam kay DILG Undersecretary Epimaco Densing, umabot 52 brgy. officials na karamihan ay mga punong barangay ang pinaiimbestigahan ngayon ng DILG sa COMELEC.
Batay sa datos ng DILG, nasa 700 complaints ang natanggap nila mula sa mga testigo na tahasang nangangampanya ang mga brgy. officials na mga kandidato sa pamamagitan ng pagsusuot ng t-shirts, pagkakabit ng tarpaulins at iba pang paraphernalias.
Kaakibat sa reklamo ang mga larawan at video ng pangangampanya ng mga ito.
Ayon sa mandato ng DILG, ipinagbabawalan nito ang lahat ng LGU hanggang sa brgy na maging partisan sa panahon ng halalan.
Nakapagtataka ani Densing dahil hanggang ngayon ay may nangangampanya pa rin kahit tapos na ang local campaign nitong March 29.
Umaasa at irirespeto ng DILG ang magiging pasya ng COMELEC kaugnay sa isinampa nitong mga reklamo.
Ayon naman sa COMELEC, tanging ang presidente, vice president at iba pang elective officials ng bansa maliban sa brgy officials ang pinapayagan na mangampanya sa eleksiyon.
Ulat ni: Pol Montibon