National News
#53 Pastor Quiboloy, tumatakbong senador upang labanan ang korapsyon
Bagamat walang karanasan sa tradisyunal na pulitika, dala ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang halos apat na dekadang pamumuno sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC)—isang organisasyong mula sa Davao ay lumawak sa buong mundo.
Sa kabila ng limitadong pondo, naitayo ang mga institusyong tumutugon sa edukasyon, kabataan, kalikasan, media, at humanitarian missions: gaya ng Children’s Joy Foundation, Keepers Club International, Jose Maria College, Sonshine Philippines Movement, at Sonshine Media Network International o SMNI Foundation.
Bilang honorary chairman ng SMNI, ginagamit niya ang media upang palaganapin ang kaalaman at kabutihan para sa nation-building.
Ang susi sa mabilis na paglago ng KOJC at sa tagumpay ng mga programang ito? Matibay na prinsipyo ng pamumuno—kung saan sentro ang disiplina, integridad, at zero corruption.
Para kay Pastor Quiboloy, kung walang korapsyon, walang maiiwan. Ang pondo, gaano man kaliit, ay lumalago at nakakarating sa dapat nitong marating.
“Kung ako ay magiging senador, ako ang magiging tagapagbantay ng pera ng bayan. Sisiguruhing ko na ang pera ng mamamayan ay mailalaan sa kaginhawaan at magiging tugon sa bawat pangangailangan. Ako ang magiging pambansang konsensya o national conscience dahil naniniwala ako na walang bahid ng corruption ang aking pagkatao,” saad ni Pastor Quiboloy.
Ipinapanukala rin ni Pastor Quiboloy ang death penalty para sa mga tiwaling opisyal, ang pagtatatag ng Truth Commission, at ang pagpirma ng lahat ng kandidato sa isang “Covenant with the People”—isang kasunduang pipirmahan ng bawat kandidato bilang pangakong hindi gagalawin ang kaban ng bayan.
“Ito ang focus ng aking plataporma dahil naniniwala ako na hindi pagpapalain ng Diyos ang ating bayan kung mayroong magnanakaw at mga tiwali sa pamahalaan.”
Aniya, bilang isang lider na dumaan sa political harassment dahil sa pagiging malapit sa pamilya Duterte, batid niya ang bigat ng kawalan ng hustisya at pag-abuso ng kapangyarihan. Dito niya hinugot ang paninindigang baguhin ang sistema.
“Nauunawaan ko ang bigat ng pang-aapi at kawalan ng hustisya. Naniniwala ako na panahon na na magkaroon ng tunay na lider sa senado. Huwag nating hayaang manaig ang mga gahaman sa pera at kapangyarihan.”
At sa darating na halalan, may panawagan ang butihing pastor sa sambayanang Pilipino, “Pilipinas, subukan natin ang bago at may resibo. Ako si Pastor Apollo C. Quiboloy, number 53 sa inyong balota. Ang inyong boses at tagapagsulong ng zero corruption. Tulong-tulong tayo na maisatuparang ng bawat Pilipino, kapayapaan, katatagan, at kasiguruhan sa buhay.”
