Connect with us

581 enforcers, itatalaga ng MMDA sa mga paaralan sa pagbabalik ng F2F classes

581 enforcers, itatalaga ng MMDA sa mga paaralan sa pagbabalik ng F2F classes

National News

581 enforcers, itatalaga ng MMDA sa mga paaralan sa pagbabalik ng F2F classes

Nasa 581 personnel ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang idedeploy sa mga kalsada na patungo o malapit sa mga pampublikong paaralan sa Metro Manila.

Ito ang inihayag ni MMDA Task Force Special Operations chief Bong Nebrija sa isang panayam sa gitna ng pagbabalik ng face-to-face classes sa Agosto 22, 2022.

Ayon kay Nebrija, nakikipag-ugnayan na ang MMDA sa mga lokal na pamahalaan bilang paghahanda sa pagbabalik ng klase.

Bukod dito, nagsagawa rin aniya ang ahensya ng misting, fogging, at clearing operations sa paligid ng mga paaralan bilang bahagi ng paghahanda.

Simula agosto 15, ipatutupad ng mmda ang expanded unified vehicular volume reduction program (UVVRP) o number coding scheme mula 7am-10 am at 5pm-8pm mula lunes hanggang biyernes, maliban tuwing holidays.

More in National News

Latest News

To Top