Connect with us

6 bus units sa NLEX-Valenzuela accident, pinatawan ng 30-araw na preventive suspension — LTFRB

6 bus units sa NLEX-Valenzuela accident, pinatawan ng 30-araw na preventive suspension — LTFRB

National News

6 bus units sa NLEX-Valenzuela accident, pinatawan ng 30-araw na preventive suspension — LTFRB

Sinuspinde na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang operasyon ng 6 na units ng isang bus company na sangkot sa aksidente sa North Luzon Expressway (NLEX) sa Valenzuela City.

Napuno ng iyakan at sigawan ang video’ng ito na kuha ng 1 pasahero mula sa sinakyang bus na sangkot sa malagim na aksidente sa North Luzon Expressway (NLEX) sa bahagi ng Valenzuela City nito lamang Lunes, Abril 14.

Sa kuhang ito ng pasaherong si Mark Henry Santos, kitang-kita na nahirapan ang ilang pasaherong sugatan na makalabas mula sa wasak na bus matapos ang nangyaring karambola.

Nadamay din daw sa aksidente ang 1 truck at van na nasa kaparehong lugar lang din.

Batay sa nakuhang ulat ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), mabilis ang takbo ng bus na galing sa Angat, Bulacan, patungo sana sa Monumento sa Caloocan.

Dahil dito, pinatawan agad ng preventive suspension ng LTFRB ang 6 na units ng kumpanya ng bus na pagmamay-ari ni Wilson Hong Sy, na may rutang PITX – NAVOTAS TERMINAL VIA EDSA.

Ayon kay LTFRB, Spokesperson Atty. Ariel Inton, “Pirmado na ng board, this order is issued pursuant that the board is exercise of the regulatory powers pursuant to the section 5 (jump) preventively suspend for not more than 30 days effective immediately.”

Giit naman ng pasaherong si Mark Henry Santos, “This is very traumatic for me. Thank God, galos lang tinamo ko. We had a bus accident here at NLEX.”

Dagdag pa ng LTFRB, nasa 6 na units ng nasabing kumpanya ang hindi maaaring mag-operate o pumasada.

Inatasan na rin ang operator na si Wilson Hong Sy na i-surrender ang 6 na plaka sa legal division ng LTFRB.

Kailangan ding sumailalim sa Road Safety Seminar ang drayber at maging ang operator, dahil posibleng wala na raw disiplina sa pagmamaneho kaya’t nagkakaroon ng aksidente.

Sabi pa ng LTFRB, naka-alerto na rin ang iba’t ibang enforcement agency sa oras na mahuling bumibiyahe ang bus kahit suspendido.

More in National News

Latest News

To Top