Metro News
6 na pamilya, nailigtas ng PNP Maritime Group sa pananalasa ng bagyong Aghon sa Quezon
6 na pamilya ang nasagip ng Philippine National Police Maritime Group matapos rumagasa ang matinding pagbaha sa Brgy. Dalahican, Lucena City kahapon araw ng Linggo, ika-26 ng Mayo.
Ayon kay PNP Maritime Group Director PBGen Jonathan Cabal ang 6 na pamilya ay binubuo ng 21 katao ay hindi nagawang lumikas matapos abutan ng pagtaas ng tubig dahil sa walang tigil na pag-ulan na nagresulta ng pagbaha.
Agad namang dinala ang mga nasagip na pamilya sa Dalahican Annex Elementary School na ginawang pansamantalang evacuation center sa lugar.
Agad namang nagpadala ng kaukulang tulong ang Lokal na Pamahalaan para sa mga naapektuhang residente.