Connect with us

6 na Pilipino, unaccounted sa Israel – DFA

6 na Pilipino, unaccounted sa Israel – DFA

National News

6 na Pilipino, unaccounted sa Israel – DFA

Ibinunyag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na mayroong 6 na Pilipino na unaccounted sa gitna ng malawakang pag-atake ng Hamas, isang palestinian militant group sa Israel.

Ayon kay DFA Usec. for Migrant Workers Affairs Eduardo De Vega, patuloy nilang inaalam ang impormasyon sa mga ito lalo na’t sinasabi ng isang Israel-based Overseas Filipino Worker (OFW) na umabot na sa 8 ang missing na mga Pinoy.

Posible namang hindi talaga missing ang mga ito ani De Vega dahil maaaring unreachable lang ang kanilang phone number dahil sa pagmamadali na makalikas sa gitna ng pag-atake.

Sa ngayon ay wala ring natatanggap na impormasyon ang DFA na may casualties sa mga Pilipino na nasa Israel.

Hindi pa din kumpirmado ang ulat na may napasamang Pinoy sa dinukot ng Hamas group.

Samantala, para sa emergencies ay maaaring makipag-ugnayan sa embahada ng Pilipinas sa Israel sa pamamagitan ng emergency number +972-54-466-1188.

Tinatayang nasa 30-K ang mga Pilipino na nasa Israel subalit karamihan sa mga ito ay wala sa southern portion na malapit sa Gaza Strip kung saan nangyayari ang kaguluhan.

More in National News

Latest News

To Top