National News
6 sugatan, matapos gumuho ang isang condominium sa Ecoland, Davao City
Sugatan ang anim na katao matapos gumuho ang bahagi ng condominium sa Ecoland, Davao City, matapos ang panibagong magnitude 5.6 na lindol na tumama sa Mindanao kaninang umaga.
Kinilala ang mga nasugatan na sina Catley Ubas, Naser Inog, Baswil Ledya, Park Jung O na isang Korean National, Christian Vicente at Ledy Notarte na pawang nagtamo ng head injury.
Habang hindi pa nadedetermina kung may nasawi o nawawala sa pagguho habang walo katao ang na-rescue na walang injury.
Nasa anim na sasakyan naman ang nasira sa lindol.
Sa ngayon ay patuloy ang isinagawang rescue operation ng mga rescue team sa establisyemento.
Sa inisyal na impormasyon, may 56 rooms ang ecoland 4000 condominium pero nasa 15 units ang occupied nang mangyari ang insidente.
