Connect with us

60 toneladang election campaign materials, binaklas

60 toneladang election campaign materials, binaklas

National News

60 toneladang election campaign materials, binaklas

Umaabot sa 60 toneladang mga election campaign materials ang nakolekta ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Kasunod ito sa ginawa nilang “Operation Baklas” sa pangunguna ng Commission on Elections (COMELEC).

Pinagbabaklas ang mga illegally-posted materials tulad ng tarpaulins, posters, at iba pang election paraphernalia na nakasabit sa mga poste, puno, kawad ng kuryente, linya ng telepono, at mga puno sa mga lansangan ng kalakhang Maynila.

Samantala, una nang pinagbabaklas ng mga tauhan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga campaign materials na hindi sumusunod sa itinakdang pamantayan at nakakabit sa labas ng designated common poster areas sa buong bansa.

More in National News

Latest News

To Top