International News
600-year-old World Heritage site sa Okinawa Japan, tinupok ng sunog
Tinupok ng sunog ang main bulding ng Shuri Castle, isang matandang kastilyo sa Okinawa Prefecture at pamosong atraksyon sa mga turista.
Ayon sa pulisya, nagsimulang sumiklab ang apoy bago mag-alas tres ng madaling araw na mabilis namang kumalat sa buong gusali.
Wala namang naitalang kaso ng nasawi o nasugatan sa nangyaring sunog.
Mahigit sampung fire engines ang idinispatsa upang maapula ang apoy.
Ngunit ayon sa pinaka-huling ulat ay inaapula pa din ang sunog bandang alas nwebe ng umaga.
Iniimbestigahan pa din kung may kinalaman ang insidente sa isinagawang tourist event sa Shuri Castle isang araw bago maganap ang sunog.
Tinatayang nasa 600 mahigit na ang tanda ng Shuri Castle na dineklarang UNESCO World Heritage site taong 2000.
Shara Veneracion
