Connect with us

67 LGUs, pinagpapaliwanag sa pagbabalewala sa batas ukol sa mandatory council seats para sa IPs

Hindi kinikilala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang inilabas na executive order ni Cebu Governor Gwen Garcia

National News

67 LGUs, pinagpapaliwanag sa pagbabalewala sa batas ukol sa mandatory council seats para sa IPs

Hinimok ng Department of the Interior and Local Government (DILG) angs) na sumunod sa Indigenous People’s Mandatory Representatives (IPMRs).

Sa isang pahayag, sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na pinagpapaliwanag na ang mga naturang LGU sa kanilang kabiguan na matiyak na mayroong representasyon ang indigenous people sa local legislative councils.

Binigyan naman ang 67 non-compliant LGUs na binubuo ng dalawang probinsya, 14 munisipalidad at 51 barangay ng hanggang Mayo 3 para isumite ang kanilang paliwanag sa DILG.

Ayon kay Año, walang pondong inilalaan para sa sahod ng IPMR at hindi kinikilala ng higher levels ng LGUs ang mga kinatawan na ito.

Ginawa ng DILG ang direktiba matapos makatanggap ng sulat mula kay National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) Chairperson Allen Capuyan na nag-uulat sa 67 non-compliant LGUs.

More in National News

Latest News

To Top