Connect with us

6th ID, pinarangalan ang bagong promote na opisyal kasabay ng Women’s month

6th ID, pinarangalan ang bagong promote na opisyal kasabay ng Women's month

Regional

6th ID, pinarangalan ang bagong promote na opisyal kasabay ng Women’s month

Pinarangalan ng 6th Infantry (Kampilan) Division ng Philippine Army, ang 13 bagong na-promote na opisyal sa isang seremonya ng donning of ranks na ginanap sa camp Siongco, Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.

Ang naturang kaganapan ay pinangunahan ni Brigadier General Donald Gumiran, commander ng 6th Infantry Division at Joint Task Force Central.

Sa kanyang talumpati binigyang-diin nito ang dedikasyon ng mga opisyal at ang kanilang lumalaking mga responsibilidad sa paglilingkod sa bansa.

Ang nasabing seremonya din ay isang paggunita sa buwan ng kababaihan, na nagpapalakas ng kahalagahan ng pagkakapantay-pantay ng kasarian sa hanay ng militar.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Lieutenant General Roy Galido, commanding general ng Philippine Army, ang pagkakapantay-pantay ay hindi lamang isang pangarap, kundi isang layunin na kailangan aniyang pagsikapan nang magkasama hindi lang ng mga sundalo kundi ng bawat pilipino.

More in Regional

Latest News

To Top