Uncategorized
7 business tycoons ng Pilipinas, suportado si PBBM sa World Economic Forum
Kasama ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Davos, Switzerland ang 7 malalaking businessmen ng Pilipinas bilang pagsuporta sa partisipasyon ng bansa sa 2023 annual meeting ng World Economic Forum (WEF).
Kabilang dito sina Sabin Aboitiz ng Aboitiz; Kevin Andrew Tan ng Alliance Global; at Jaime Zobel de Ayala ng Ayala Group.
Naroon din sa Davos sina Lance Gokongwei ng JG Summit Holdings; Ramon Ang ng San Miguel Corp.; Teresita Sy-Coson ng SM Investments; at Enrique Razon ng International Container Terminal.
Dumating si Pangulong Marcos sa Switzerland noong Linggo ng hapon o linggo ng gabi, Philippine time kasama ang official delegation na binubuo ng government officials at business leaders.
Kaugnay dito, inihayag ni Pangulong Marcos na ang world economic forum ay nagho-host ng isang country strategy dialogue para sa Pilipinas.
Dito binibigyan ng pagkakataon na ipromote ang Pilipinas bilang pinuno, ‘driver of growth’ at isang gateway sa Asia-Pacific Region.
