Regional
7 Chinese na inaresto sa illegal quarry, ipapadeport ng BI
Agad na inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang 7 lalakeng Chinese na natagpuang nagtratrabaho sa iligal na quarrying sa Taysan Batangas.
Kabilang sa mga dinakip ay nakilalang si Wang Shou Min, 67, na sinasabing ‘big boss’ ng quarrying company at ama ng isa pang inaresto na si Wang Zhenglai, 34-anyos, habang hindi pa tinukoy ang pangalan ng 5 inaresto.
Sinabi ni BI Intelligence Division Fortunato Manahan, Jr. na ang tunay na target ng operasyon ay si Wang Zhenglai, na may working visa ngunit pinetisyon ng pekeng kumpanya.
Gayunman, habang isinasagawa ang pagdakip kay Wang ay natagpuan nila sa site ang 6 pang lalake na iligal na nagtatrabaho sa quarry kaya pati sila ay inaresto na rin at nakatakdang ipadeport pabalik sa China.
