National News
7 Chinese national, inaresto sa umano’y surveillance malapit sa WPS
Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 6 na Chinese nationals at 1 Pilipino sa isang pribadong isla sa Zambales.
Dahil ito sa umano’y pagsasagawa ng surveillance activities malapit sa West Philippine Sea (WPS).
Ang mga suspek ay inaresto noong Marso 19 sa isang hot pursuit operation sa Grande Island, na matatagpuan sa loob ng Subic Bay Freeport Zone.
Sa naturang operasyon, nakumpiska sa mga inarestong indibidwal ang mga gadget na naglalaman ng mga larawan at video ng mga barkong pandigma ng Pilipinas at Amerika.
Pati na rin ang mga dokumentong naglalaman ng schedule ng pagdating at pag-alis ng mga barkong pandagat sa Port of Subic.
Mayroon ding natagpuang mga pekeng dokumento sa buwis.
Sa pahayag ng naarestong Pilipino na nagsisilbing bodyguard, wala silang lihim na operasyon at sinabi niyang nangingisda lang sila.
Isinailalim na ang mga suspek sa inquest proceedings noong Marso 21 sa Bataan, at sila ay nahaharap sa mga kasong pang-eespiya, pamemeke ng dokumento, at pagtatago ng kanilang tunay na pagkakakilanlan.
