Connect with us

7 indibidwal kabilang ang miyembro ng Daulah Islamiyah, sumuko sa Maguindanao

Sumuko sa militar ang 7 indibidwal sa Maguindanao.

Regional

7 indibidwal kabilang ang miyembro ng Daulah Islamiyah, sumuko sa Maguindanao

Sumuko sa militar ang 7 indibidwal sa Maguindanao.

Ayon kay AFP Western Mindanao Command chief Lieutenant General Corleto Vinluan, kabilang sa sumuko ay isang miyembro ng Daulah Islamiyah, isang miyembro ng BIFF-Bungos Faction, tatlong miyembro ng BIFF-Karialan Faction at dalawang miyembro ng armadong grupo na Bungay brothers.

Hindi muna isinapubliko ang pagkakakilanlan ng mga sumuko para na rin sa kanilang seguridad.

Ibinaba rin nila ang tatlong M14 rifles, isang KG-9 automatic pistol, isang rocket-propelled grenade, isang shotgun, isang M79 grenade launcher, at isang improvised explosive device at mga bala.

No description available.

Sumasailalim na ang pitong indibidwal sa custodial debriefing.

Samantala, narekober ng militar at pulisya ang labi ng mataas na lider ng New People’s Army na napatay sa engkwentro sa San Guillermo, Isabela.

Ayon kay Northern Luzon Command spokesperson Major Israel Galorio, kinilala ang nasawi na si Rosalio Canubas, alyas Yuni at may warrant of arrest sa Bambang, Nueva Vizcaya.

Si Canubas ay lider ng Regional Operations Command ng NPA at 2nd Deputy Secretary ng Komiteng Rehiyon – Cagayan Valley.

Pinaniniwalaan na inilibing ang bangkay nito ng mga kasamahan niyang tumakas sa engkwentro sa militar.

Nagpahayag ng pagkadismaya si NolCom commander Lieutenant General Arnulfo Burgos Jr. sa hindi makataong pag-iwan ng mga communist terrorist sa kanilang nasawing kasamahan na hindi binigyan ng maayos na libing.

More in Regional

Latest News

To Top