Connect with us

7 katao, patay, 81 sugatan sa magnitude 6.1 na lindol sa ilang lugar sa Luzon

magnitude 6.1 na lindol

Regional

7 katao, patay, 81 sugatan sa magnitude 6.1 na lindol sa ilang lugar sa Luzon

Umakyat na sa 7 katao ang patay habang 81 ang sugatan sa magnitude 6.1 na lindol na tumama sa ilang lugar sa Luzon.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Edgar Posadas, hanggang ngayong umaga ay nasa 24 katao pa ang patuloy na pinaghahanap.

Karamihan aniya sa mga nawawala ay pinaniniwalang na-trap sa gumuhong Chuzon Supermarket sa Porac, Pampanga.

Gayunman, sinabi ni Posadas na patuloy pa ring bineberepika ang nasabing bilang na nagmula sa Office of Civil Defense (OCD) sa Region 3.

Nakapagtala rin aniya ang NDRRMC ng 32 na istraktura at gusali na naapektuhan ng lindol sa National Capital Region (NCR) at Central Luzon.

Kabilang sa mga gusaling labis na napinsala ay ang Clark International Airport sa Pampanga at Emilio Aguinaldo College sa Manila.

Sa kabila naman ng malakas na lindol, sinabi ni Posadas na walang major roads ang idineklarang impassable o hindi madaanan.

Sa kasalukuyan ay naka-blue alert status ang NDRRMC bunsod ng lindol.

 

More in Regional

Latest News

To Top