Connect with us

7 miyembro ng NPA mula sa Bukidnon, nagbalik loob sa pamahalaan

7 miyembro ng NPA mula sa Bukidnon, nagbalik loob sa pamahalaan

Regional

7 miyembro ng NPA mula sa Bukidnon, nagbalik loob sa pamahalaan

Bitbit ang 5 matataas na kalibre ng baril, 7 miyembro ng teroristang Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ang sumuko sa 8th Infantry Battalion sa ilalim ng 4th Infantry Division na pinamumunuan ni Brigadier General Michele Anayron Jr.

Ang pagsuko ng mga ito ay resulta ng matagumpay na negosasyon ng Modified Community Support Program Team na itinalaga sa Sitio Ulayanon, Barangay Kalabugao, Impasugong Bukidnon.

Ang 7 sumuko ay kasapi ng Headquarters Force NEO ng North Central Mindanao Regional Committee na nag-ooperate sa lalawigan ng Bukidnon, Misamis Oriental at ilang bahagi ng Caraga.

Ayon kay LtCol. Anayron, nagpasya ang mga rebelde na sumuko dahil sa sobrang pagod at matinding gutom na dulot ng pinag ibayong military operations sa lugar at dahil na rin sa kawalan ng suporta mula sa mamamayan.

More in Regional

Latest News

To Top