Connect with us

7 oras na water interruption, mararanasan sa ilang bahagi ng Metro Manila

7 oras na water interruption, mararanasan sa ilang bahagi ng Metro Manila

Metro News

7 oras na water interruption, mararanasan sa ilang bahagi ng Metro Manila

Makararanas na mamayang gabi ng 7 oras na water interruption ang ilang lugar sa Makati, Mandaluyong, Manila at San Juan ayon sa abiso ng Manila Water.

Dulot ito ng isinasagawang preventive maintenance ng pumping station sa San Juan City.

Magsisimula ang nasabing water interruption mamayang 11:00 ng gabi hanggang 6:00 ng umaga, Marso 4.

Ilan sa mga barangay na maaapektuhan ng interruption ay ang mga sumusunod:

Brgy. 763 hanggang 820 ng San Andres Manila at barangay 866, 869, 873 hanggang 905 sa Sta.Ana Manila.

Habang ang Brgy. Poblacion, Valenzuela, Olympia, Carmona, Kasilawan, Tejeros at Singkamas naman ang mga maaapektuhan sa Mandaluyong.

Apektado rin ang ilang barangay sa Bagong Silang, Burol, Daang Bakal, Hagdang Bato Itaas, Hagdang Bato Libis, Harapin ang Bukas, Hulo Mabini-JP Rizal, Namayan, New Zaniga, Old Zaniga, Pag-Asa, Plainview, Poblacion, San Jose, Vergara, Barangay Addition Hills , Batis, Kabayanan, Maytunas, Santa Lucia at Tibagan sa San Juan City.

Pinapayuhan din ng Manila Water ang mga consumers na maging handa sa nalalapit na tag-init.

More in Metro News

Latest News

To Top