Connect with us

7 suspek sa pagpupuslit ng mahigit P21-M halaga ng sigarilyo sa Davao Occidental, arestado

7 suspek sa pagpupuslit ng mahigit P21-M halaga ng sigarilyo sa Davao Occidental, arestado

Regional

7 suspek sa pagpupuslit ng mahigit P21-M halaga ng sigarilyo sa Davao Occidental, arestado

Naaresto ang 7 katao sa karagatang sakop ng Balut Island sa Davao Occidental makaraang maharang ng mga tauhan ng Philippine Navy ang isang bankang de motor.

Nakumpiska sa mga ito ang nasa 422 master cases ng mga puslit na sigarilyo.

Sa ulat ng Philippine Navy, nagpapatrolya ang BRP Dioscoro Papa sa nasabing karagatan lulan ang Naval Task Force 71 nang maharang nito ang Jungkong type motorbanca dahil sa kahina-hinalang aktibidad ng mga sakay nito.

Nang sitahin ang mga sakay nito tumambad sa mga otoridad ang kahong-kahong puslit na sigarilyo na tinatayang nagkakahalaga ng humigit kumulang sa P21-M.

Dadalhin sana sa Digos City ang kontrabando subalit dahil sa walang naipakitang sapat na dokumento ay kinumpiska ang bangka at inaresto naman ang mga sakay nito.

Sa ngayon nasa kamay na ng operatiba ng Bureau of Customs (BOC) ang nasabat na kontrabando at dinala sa General Santos City Sub-port habang kinasuhan na ang mga sakay ng nasabing motorbanca.

More in Regional

Latest News

To Top