Connect with us

70 pang bangkay ng PDLs na natanggal sa isang punerarya, inilibing na

70 pang bangkay ng PDLs na natanggal sa isang punerarya, inilibing na

National News

70 pang bangkay ng PDLs na natanggal sa isang punerarya, inilibing na

Nailibing na ngayong Biyernes ang 70 pang bangkay ng mga persons deprived of liberty (PDLs) na namatay sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).

Kabilang pa rin ang mga ito sa 100 at 76 na bangkay na hindi na nakuha ng kanilang mga kaanak at natengga sa Eastern Funeral Homes sa Muntinlupa City.

Nagsagawa naman ng funeral mass bago inilibing ang mga bangkay sa NBP cemetery.

Ayon kay Director Ma. Cecilia Villanueva ng health and welfare services, kabilang sa inilibing ang 1 Japanese national.

Sa ngayon, pumalo na sa 100 at 40 bangkay ng PDLs ang nailibing na habang nasa 36 pa ang naiwan sa Eastern Funeral Homes.

More in National News

Latest News

To Top