Regional
72-hour window para sa mga international flight kasunod ng enhanced community quarantine, inalis na
Inalis na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang 72-hour window para sa mga international flight.
Ito ang kinumpirma ng Department of Transportation (DOTR) kasunod ng kalituhan ng maraming pasahero.
Dahil dito, lahat ng foreign nationals maging ang mga overseas Filipino workers (OFW) at balikbayan ay maaari nang lumipad palabas ng bansa sa alinmang paliparan sa Luzon kahit anong oras sa kasagsagan ng enhanced community quarantine.
Hindi naman papayagang umalis ang mga Pilipinong turista.
Isang tao lang din ang papayagan na sumama na maghatid sa pasahero sa airport.
Habang papayagan namang pumasok ang inbound international passengers pero kailangan sumailalim sa mahigpit na immigration at quarantine protocols.