Regional
73 na panibagong kasong COVID-19, naitala sa Cebu City
Nakapagtala ng 73 panibagong kaso ng coronavirus disease 2019 ang Cebu City.
Sa naturang bilang, 72 sa mga ito ay galing sa Sitio Callejon, Barangay Labangon.
Ayon kay Mayor Edgardo Labella, dinala sa Barangay Isolation Center ang mga nagpositibo para i-quarantine at gamutin sa pangunguna ng Cebu City Health Department Officials.
Sa ngayon nasa 549 na ang kabuuang kaso ng sa buong syudad ng Cebu.