Regional
8 dating rebelde, tumanggap ng financial assistance mula sa gobyerno
Tumanggap ng tulong pinansyal ang 8 dating miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Puerto Princesa, Palawan.
Aabot sa P25,000 ang ibinigay ng pamahalaang lokal ng Palawan sa ilalim ng comprehensive Local Social Integration Program (LSIP).
Ayon kay Colonel Bob Apostol, Deputy Brigade Commander ng 3rd Marine Brigade na sumailalim sa background check ng Joint AFP-PNP Intelligence Coordinating Committee (JAPICC) ang 8 dating rebelde upang matiyak ang intensyon nilang magbalik loob sa gobyerno.
Dumaan din ang mga ito sa deradicalization program upang matiyak ang kanilang pagbabagong buhay mula sa pagiging guerilla fighters hanggang pagiging kakampi ng pamahalaan.
Sinabi naman ng Provincial Social Welfare and Development (PSWD) ng Palawan na ang natanggap na tulong ng mga rebelde ay pauna pa lamang habang tinutulungan din nila ang kanilang sarili na umangat.