Connect with us

8 persons under police custody ng San Jose Del Monte City PNP, nakapuga; 4, naibalik na

8 persons under police custody ng San Jose Del Monte City PNP, nakapuga; 4, naibalik na

Regional

8 persons under police custody ng San Jose Del Monte City PNP, nakapuga; 4, naibalik na

Puspusan ang ginagawang manhunt operations ng San Jose Del Monte City Police Office sa 4 pang nakatakas na persons under Philippine National Police (PNP) custody.

Ito’y kasunod ng nangyaring pagpuga ng nasabing mga preso sa naturang piitan dakong alas-3 ng umaga kahapon, June 2, 2024.

Nakaeskapo ang mga ito kasunod ang paglalagari sa metal bars ng kanilang palikuran.

Ang mga nakatakas ay pawang may kinahaharap na kasong may kinalaman sa iligal na droga at illegal possession of firearms.

Sa ngayon ay inalerto na ng San Jose Del Monte City Police ang mga karatig nitong bayan sa buong lalawigan para sa pagsasagawa ng drag net operations gayundin ang pagpapagana sa Bulacan Shield Alpha.

More in Regional

Latest News

To Top