Connect with us

8 probinsya sa Luzon, nakararanas na ng tagtuyot – PAGASA

Metro News

8 probinsya sa Luzon, nakararanas na ng tagtuyot – PAGASA

Nararanasan na ng 8 probinsya sa Luzon ang epekto ng El Niño.

Sa tala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang mga probinsya gaya ng Apayao, Bataan, Cagayan, Cavite, Ilocos Norte, Kalinga, Palawan at Zambales ay nakararanas ng drought o tagtuyot.

Ibig sabihin, mababa na kumpara sa normal rainfall ang nararanasan nila sa loob ng 3 -5 buwan.

Ang dry spell kung saan mababa kumpara sa normal rainfall ang nararanasan sa loob ng 3 buwan ay damang-dama sa Negros Occidental, Basilan, Abra, Aurora, Benguet, Ifugao, Ilocos Sur, Isabela, La Union, Metro Manila, Mountain Province, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Occidental Mindoro, Pampanga, Pangasinan, Quirino, Rizal At Tarlac.

More in Metro News

Latest News

To Top