National News
8 pulis, inalis na sa serbisyo dahil sa paggamit ng iligal na droga
Tuluyan nang inalis sa serbisyo ang 8 pulis na nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga.
Ito ang inihayag ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office (PIO) Chief Police Colonel Jean Fajardo sa pulong balitaan sa Camp Crame.
Ayon kay Fajardo, ang 8 pulis ay nagmula sa 25 pulis na nagpositibo sa isinagawang confirmatory drug test.
Isa naman ang nag-resign habang ang iba ay hinihintay pa ang ilalabas na desisyon sa kanilang kaso.
Pinakamataas na ranggo na nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga ay ang dating hepe ng Mandaluyong City Police na si Police Colonel Cesar Gerente.
Samantala, hindi na makatatanggap ng benepisyo ang mga pulis na inalis sa serbisyo dahil sa iligal na droga.
