Connect with us

8 pulis, mahaharap sa patung-patong na kaso

8 pulis, maaharap sa patung-patong na kaso

National News

8 pulis, mahaharap sa patung-patong na kaso

Walang makakalusot, ito ang mariing pahayag ni PNP-IAS Inspector General Atty. Brigido J. Dulay kaugnay sa imbestigasyong isinasagawa laban sa 8 pulis ng Eastern Police District (EPD) na sangkot sa umano’y ilegal na operasyon sa Las Piñas noong Abril 2.

Kinasasangkutan ng mga pulis ang seryosong mga alegasyon ng kidnapping, robbery-extortion, at serious illegal detention matapos hulihin ang isang Chinese national na si Jei Li.

Sa paunang imbestigasyon, lumitaw na may mga matitinding paglabag sa Police Operational Procedures gaya ng kawalan ng body-worn camera recordings, sinadyang pagkasira ng CCTV cameras at footage, at ang hindi agarang pagsurender ng mga nakumpiskang kagamitan.

Kinilala ang mga suspek na sina Patrolman Entorunm, PSSg. Duran, Patrolman Bonifacio, Pat. Domingo, Pat. Sabaoda, Pat. Saligo, PCpl Leoboras, at PCpl Justo.

Bukod sa kanila, sinisilip na rin ng IAS ang posibilidad na may iba pang sangkot sa insidente at iniimbestigahan din ang posibleng pananagutan ng mga opisyal sa ilalim ng command responsibility.

Continue Reading

More in National News

Latest News

To Top