Connect with us

8 pulis na sangkot sa pagkamatay ni Jemboy Baltazar, pinasisibak

8 pulis na sangkot sa pagkamatay ni Jemboy Baltazar, pinasisibak

Metro News

8 pulis na sangkot sa pagkamatay ni Jemboy Baltazar, pinasisibak

Inirekomenda ng Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS) ang pagsibak sa serbisyo sa 8 pulis na namaril at ikinamatay ng 17 anyos na si Jemboy Baltazar noong nakaraang buwan ng Agosto.

Matapos ito sa kanilang isinagawang pagsisiyasat tungkol sa kaso.

Kinilala ang 8 pulis na sina Police Executive Master Sergeant Roberto Balais Jr; Police Staff Sergeant Antonio Bugayong Jr.; Police Staff Sergeant Gerry Maliban; Police Staff Sergeant Nikko Pines Esquilon; Police Corporal Edmard Jake Blanco; at Patrolman Benedict Mangada.

Pinasisibak rin sa serbisyo ang 2 immediate supervisors na sina Captain Mark Joseph Carpio at Captain Luisito Dela Cruz matapos na napag-alamang guilty ito ng serious grave neglect of duty mula sa ginawang operasyon ng mga tauhan nito.

Sa isang panayam, nilinaw ni IAS Inspector General Alfegar Triambulo na naisumite na nila ang rekomendasyon sa tanggapan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para i-dismiss ang mga pulis na sangkot sa nasabing mistaken identity.

More in Metro News

Latest News

To Top