National News
800-M katao sa Western Pacific kabilang na ang Pinas, kulang sa maayos na health access – WHO
Tinatayang nasa 800-M katao sa buong Western Pacific kabilang na ang Pilipinas ang walang sapat na access sa basic health services.
Ayon ito sa World Health Organization (WHO) kasunod ang paggunita ng World Health Day nitong April 7, 2024.
Katumbas ito ng 2 sa 5 katao na walang kakayahang makakuha ng isang health service gaya ng immunization, pregnancy at newborn care maging ang treatment para sa communicable at noncommunicable diseases.
Sinabi ng WHO na may pag-unlad man sa napakaraming larangan ay mas marami parin ang dapat na gawin tungo sa maayos na basic health services para sa publiko.
