Connect with us

822 barangay, apektado kung aalisin ang pondo ng NTF-ELCAC – Esperon

Nanganganib na bumalik muli sa pagiging rebelde ang 822 barangay sa bansa na nabawi na ng pamahalaan mula sa kamay ng CPP-NPA-NDF).

National News

822 barangay, apektado kung aalisin ang pondo ng NTF-ELCAC – Esperon

Nanganganib na bumalik muli sa pagiging rebelde ang 822 barangay sa bansa na nabawi na ng pamahalaan mula sa kamay ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Ito’y kung tuluyang aalisin ng mga politikong kontra sa kapayapaan ng bansa ang pondo para sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Mula nang maitatag ang Executive Order #70 o NTF-ELCAC, malayo na ang narating nito.

Ang mga dating tahimik at di makakibong komunidad dahil sa pananakot ng mga armadong grupo na CPP-NPA-NDF ay unti-unti nang nababawi ng pamahalaan sa ilalim ng good governance katuwang ang NTF-ELCAC.

Sa datos ng National Security Council, nasa 832 na barangay na ang nabawi ng gobyerno mula sa CPP-NPA.

Kasabay nito, agad na inatasan ng task force ang mga kawani nito na asikasuhin ang mga itatakdang immersion at intervention program para sa mga benepisyaryo.

Kaya pakiusap ngayon ng ahensiya, huwag gipitin ang pondo para sa mga higit na nangangailangan partikular na kung sa seguridad at kapayapaan ng bansa ang pinag-uusapan.

Paliwanag ng NTF-ELCAC, mula sa P19 billion na pondo ng ahensiya, P16 bilyong dito ay gagamitin sa Barangay Development Program (BDP).

Mula sa 822 na Brgy. tinanggap na ng mga lokal na pamahalaan ang nasa P20 milyong pondo para sa pagsasaayos ng libreng irrigasyon o patubig, road projects, pangkabuhayan at kuryente na siyang matagal nang pangunahing problema sa mga kanayunan.

At dahil sa pagharang ng mga armadong grupo na CPP-NPA, matagal itong hindi napasok ng development programs mula sa pamahalaan.

Sa kabila ng magandang plano at programa ng pamahalaan dito, nangangamba ngayon ang NTF-ELCAC dahil sa posibilidad na hindi ito matuloy dahil sa isinusulong na pag-aalis ng pondo.

Ipinagtataka rin ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. na sa halip na tulungan ang gobyerno, isa si Vice President Leni Robredo sa mga ayaw namang sumuporta sa programa ng task force.

Paalala ni Esperon sa pangalawang pangulo, batay sa datos ng NTF-Elcac, ang Bicol Region ay siyang nangunguna sa mga reiyon sa bansa na may pinakamaraming NPA-infested Brgy.

Giit ng pamahalaan, huwag sanang pagkaitan ng oportunnidad na mamuhay ng maayos ang mga kababayang nasadlak sa kahirapan dahil sa pangingikil at pananakot ng CPP NPA NDF sa bansa.

More in National News

Latest News

To Top