National News
85% personnel ng PNP, ipinag-utos na maging aktibo sa field work
Ipinag-utos ng Philippine National Police (PNP) sa lahat na police stations nito sa bansa na magsagawa ng regular na pagpatrolya.
Mainam na 85% sa mga police personnel nito ay aktibo sa field duties.
Ang hakbang ay upang mapalakas ang kanilang visibility sa publiko na magiging daan upang mabilis rin ang kanilang pagresponde tuwing may nangangailangan ng kanilang tulong.
Sa pagpatrolya ay binigyang-diin rin na palakasin ang kanilang Oplan Galugad at Oplan Sita operations.
