Connect with us

855 special permits para sa mga pampasaherong bus, iginawad ng LTFRB para sa Undas

National News

855 special permits para sa mga pampasaherong bus, iginawad ng LTFRB para sa Undas

Naglabas na ang Land Transportation Regulatory and Franchising Board (LTFRB) ng 855 special permits para sa Public Utility Buses (PUBs) para sa Undas.

Ito ay dahil na rin sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero na uuwi sa mga probinsya sa araw ng mga kaluluwa.

Ang mga permit ay magiging valid mula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 3.

Sa isang pahayag, sinabi ni LTFRB Technical Division Head Joel Bolano na ang mga bus ay hindi dapat lalagpas sa 10 taong gulang at dapat updated din ang insurance papers ng mga sasakyan.

Ayon pa kay Bolano, ang mga operator ay dapat abswelto sa anumang pagpapatawag o kasong inihain ng ahensya sa mga ito para makwalipika sa permit.

“Bukod sa mga qualifications na ito, nais naming klaruhin na 25% lamang ng operators per ruta ang maaring bigyan ng special permit. Wala tayong favoritism na nagaganap,” dagdag ni Bolano.

Sisimulan naman ng LTFRB sa lunes, Oktubre 28 ang ocular inspections sa mga terminal at mga garahe.

Ito ay para matiyak na sumusunod ang mga kumpanya at operators sa facility standards tulad ng komportableng waiting areas at malinis na palikuran at maayos na security protocols.

Magsasagawa rin ang kagawaran kasama ang Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) ng random inspections sa mga units at franchise documents ng mga bus.

Iginiit naman ni LTFRB Chairman Atty. Martin Delgra na patuloy ang kanilang pagsisikap na mapabuti ang kanilang serbisyo mula sa mga natutunan sa mga nakalipas na mga taon.

“Taon-taon po natin ito ginagawa para sa ating mga commuters. Lahat ng natututunan natin, inimprove natin para sa sususnod na taon. Bukod sa pagbigay ng special permits, hindi rin po mawawala ang mga Malasakit Help Desks upang umalalay sa kanila. Bawat Regional Office ng LTFRB sa Pilipinas, mayroon ring kanya-kanyang plano ng pagtulong at sila ay nakikiisa sa pagbibigay ng tulong sa mga mananakay” pahayag ni Delgra.

More in National News

Latest News

To Top