Regional
8K trabaho, bubuksan ng Taiwan para sa mga Pilipino
8K trabaho ang bubuksan ng Taiwan para sa mga Pilipino.
Sa anunsyo ng Manila Economic and Cultural Office (MECO), magkakaroon ang naturang bansa ng tatlong araw na job fair sa Laoag, Ilocos Norte at Vigan, Ilocos Sur.
Gagawin ito ngayong Setyembre 9 hanggang 11, 2024.
Tinatayang 17 na Taiwanese employers at recruitment agencies ang sasali sa naturang job fair.