Regional
9 na bayan sa Isabela Province, isinailalim na sa lockdown dahil sa ASF
Mahigpit nang ipinagbabawal ang paglabas at pagpasok ng baboy at mga pork products sa 9 na mga bayan sa lalawigan ng Isabela dahil sa Africa Swine Fever (ASF).
Kabilang sa mga bayan na sakop ng lockdown dahil sa epekto ng ASF ang Quezon, Quirino, Mallig, Aurora, Roxas, San Manuel, Gamu, Cordon at bayan ng Jones.
Maliban sa Cordon at Jones, ang mga nabanggit na bayan ay malapit sa Tabuk City sa Kalinga Province na nauna nang nakapagtala ng ASF.
Samantala, ngayong araw nakatakdang magpulong ang mga regional director ng Department of Agriculture kabilang na ang Region 2, 3 at Cordillera Administrative Region para pag-usapan ang mga hakbang upang malabanan ang epekto ng ASF.