National News
90% na vaccination rate ng lalahok sa F2F classes, isinusulong
Mas ligtas ang mga mag-aaral kung 90% sa mga lalahok sa face to face classes sa susunod na school year ay bakunado na kontra COVID-19.
Ito ang inihayag ni Dr. Ted Herbosa, ang medical adviser ng National Task Force Against COVID-19.
Ikinumpara pa ni Herbosa ang sitwasyon sa ibang bansa kung saan nagkaroon ng mini-outbreak at bumalik parin sa online learning ang mga studyante.
Dahilan aniya ito ng mababang vaccination rate ng mga mag-aaral na pumasok ng in- person sa mga paaralan.