International News
94 katao, nasawi sa paglubog ng ferry sa Tigris River sa iraq
Umakyat na sa 94 katao ang bilang ng mga nasawi sa paglubog ng isang ferry sa Tigris River sa Iraq.
Ayon sa Mosul Civil Defence Agency, karamihan sa mga nasawi ay mga kababaihan at kabataan na hindi gaanong marunong lumangoy habang nasa 55 ang nailigtas.
Patungo sana ng UMM Rabaen Island ang nasabing ferry lulan ang halos 200 katao nang lumubog bunsod ng malakas na agos ng ilog.
Inaasahang tataas pa ang bilang ng mga nasawi dahil patuloy pa rin ang search and rescue operations ng mga otoridad.
DZARNews