National News
97 na LGUs iisyuhan ng show cause orders – DILG
Nasa 97 local government units (LGUs) ang nakatakdang isyuhan ng show cause orders ng Department of the Interior qnd Local Government (DILG) matapos mabigo na linisin ang mga kalsada sa kanilang mga kinasasakupan sa anumang sagabal sa loob ng 60 days.
Sa press briefing, sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na bibigyan ang mga LGUs ng limang araw mula ng matanggap ang show cause order para magpaliwanag sa kanilang non-compliance at under-performance.
Ayon kay Año, maaring maharap sa preventive suspension ang mga local executives kapag napatunayan nagpabaya ang mga ito.
Kabilang sa nabigo sa kautusan ng DILG:
- Region I (11)
- Region II (1)
- Region III (1)
- Region IV-B (7)
- Region V (10)
- Region VI (1)
- Region VII (12)
- Region VIII (8)
- Region IX (19)
- Region X (13)
- Region XI (3)
- Region XII (3)
- Region XIII (4)
- CAR (4)
Habang, nasa 1,148 LGUs sa buong bansa ang nakapasa sa validation kasama ang lahat ng lungsod sa Metro Manila.
Gayunman, sinabi ni Año na kahit nakapasa ang Taguig City ay nakuha ito ng low compliance sa validating team.
Base sa DILG, nasa 612 na kalsada sa Metro Manila ang nalinis kung saan katumbas ito ng 75 percent sa target.