National News
97% ng mga Pinoy, nairehistro na sa National ID Program
Nasa 97.8 percent na ang nagparehistro para sa National ID Program.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), katumbas ito ng nasa 90,017,181 na kabuoang mga Pinoy registrants.
Bagamat pinoproseso ang updated na bilang ng mga Pilipino, batay sa huling census noong 2020 ay nasa 109 million ang populasyon ng Pilipinas.
Target naman ng psa na mairehistro sa national ID system ang buong populasyon ng Pilipinas sa susunod na taon.