Connect with us

Abalos, ayaw ibulgar ang ‘donor’ ng P10M reward vs. Pastor ACQ

Abalos, ayaw ibulgar ang 'donor' ng P10M reward vs. Pastor ACQ

National News

Abalos, ayaw ibulgar ang ‘donor’ ng P10M reward vs. Pastor ACQ

Tumanggi si Benhur Abalos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ilabas ang pagkakakilanlan ng nasa likod ng P10M pabuya para sa ikadarakip ni Pastor Apollo C. Quiboloy na hanggang ngayon ay hindi pa napapatunayang may-sala sa alinmang akusasyon na ibinabato rito.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, sinabi ni Abalos na hindi niya sabihin ang umano’y donor ng pabuya dahil sa isyu ng seguridad nito.

Ang punto na ito ni Abalos ay siya ring sentimyento ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) lalo’t nalalagay sa bingit ng panganib ang buhay ng butihing Pastor.

Una nang kinuwestiyon ng KOJC ang inilabas na pabuya dahil mas mataas pa ito kumpara sa patong sa ulo ng mga kriminal na nahatulan nang guilty.

Sinabi rin ng kampo ng KOJC, ang alok na pabuya ay tila katumbas na ng shoot-to-kill order laban kay Pastor Apollo.

 

Sa pahayag ni Sis. Eleanor Cardona, ang executive secretary ng KOJC, “’Yung P10M, hindi basta-basta iyon kasi you’re putting the life of our Pastor in a shoot-to-kill na situation…kasi, sila ang nagpalabas ng reward man iyan o bounty.” 

 

Dagdag pa ng executive secretary, karapatan rin ng KOJC na malaman kung ano ang motibo ng umano’y nag-alok ng pabuya at kung sino ang gustong pumatay sa butihing Pastor. “Anong motibo? Karapatan din naming dito sa KOJC…kasi lahat nagkaka-interes na. Hindi na namin alam, NPA ba o preso ba ang ginagamit ng mga pulis na dinadamitan ng pulis lang kasi ‘yun ang lumalabas na mga istorya- mga NPA, mga preso, pinalabas- tapos dinamitan ng pulis.

Tapos hindi na talaga naming alam kung sino ang nakapalibot sa amin tapos meron na ring mga aaligid-aligid kasi nga nag-announce si Sec. ng DILG na mayroong reward kung sino ang makaturo o sino ang makapagbigay ng information kung nasaan si pastor. So, kaming lahat…kami in our part, sino ‘yung gustong pumatay kay Pastor, tapatan namin ng P20M.”

 

Samantala, maging sa executive session na alok ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa upang malaman kung sino ang nasa likod ng P10M pabuya ay tumanggi rin ang kalihim.

More in National News

Latest News

To Top